Punla Serye sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Nelson G. Agoyaoy, Anthony B. Maniago, Joringel A. Rangpas, Laionel M. Ruelan
- Binuo upang maipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan sa pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan
- Binubuo ng apat na yunit kung saan ang bawat isa ay may mga aralin at kaalamang magbibigay ng dagdag na pag-unawa sa pagpapalawak ng karunungan sa larang ng usaping pampamilya at pakikipagkapwa. Nakapaloob din dito ang pagbibigay ng mga kasanayan upang lalong magpatalas ng isipan ng bawat mag-aaral
- Inaasahang makatutulong ang aklat na ito sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat
- Layunin ng mga may-akda na maging isang mabuting mamamayan ang sinumang mag-aaral at lumaking taglay ang pagiging makatao at isang makatwirang nilalang sa lipunang kaniyang ginagalawan
Subject Values Education/Edukasyong Pagpapakatao