Ang seryeng ito ay naglalayong pandayin, hasain, at epektibong magamit ang kasanayang komunikatibo upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan, mapahalagahan ang akdang pampanitikan, mapangalagaan ang kulturang Pilipino, maiangat ang moralidad at pagpapahalagang pantao, at higit pang maunawaan ang kahalagahan ng wika sa pag-iral ng tao
Mga katangian ng serye: Integrasyon ng Wika at Panitikan, Ginamit na dulog ang Integratibo, Kolaboratibo, at Komunikatibong Filipino, Outcomes-based Education (OBE), Skills-based (Five Macro-skills), Integrasyon ng Kasanayan sa Ika-21 na Siglo (21st Century Skills), Dinisenyo ang aralin batay sa unti-unting pag-unlad ng talakayan